^

Bansa

Papogi ng mga pulitiko sa graduation bawal

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga pulitiko na huwag gawing venue ang nalalapit na graduation rites para sa kanilang “pagpapapogi” sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Ginawa ni Education Secretary Armin Luistro ang apila bunsod ng impormasyon na nakarating sa kanyang tanggapan na pinutakti ng mga pulitiko ang mga nakalipas na graduation day ng mga batang nagsisipagtapos sa Elementarya at High School.

Ayon sa Kalihim, ang graduation ay isang reward ng mga magulang mula sa kanilang mga anak na nagsikap para makatapos ng pag-aaral kaya marapat lamang na huwag samantalahin ng mga pulitiko para sa kanilang pamumulitika.

Pinayuhan rin ni Luistro ang mga principal at mga guro na gawing simple lamang ang graduation at iwasan ang magarbong okasyon, na makakadagdag lamang sa gastusin ng mga magulang.

Una nang ipinalabas ng Kalihim ang DepEd Order No. 4, upang bigyang-diin ang kanilang polisiya sa pagdaraos at paggastos sa graduation rites, partikular na tinukoy na hindi dapat magkaroon ng magarbong kasuotan at gawin na lamang ang graduation sa kani-kanilang mga paaralan.

Umapela rin ang DepEd sa mga paaralan na huwag nang magdaos ng graduation parties na dagdag gastos para sa mga mag-aaral, maliban na lamang kung napagkasunduan ito ng parent-teacher association ng mga paaralan.

Kung hindi maiiwasan ang paniningil o bayarin ay kailangan umanong boluntaryo lamang at hindi dapat sangkot dito ang mga guro o kaya’y ang principal.

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

ELEMENTARYA

GRADUATION

HIGH SCHOOL

KALIHIM

ORDER NO

UMAPELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with