Enrollment para sa ABKDamayan simula na

MANILA, Philippines - Magsisimula na sa Sabado (Marso 5), ganap na ala-1 ng hapon ang enrollment para sa ABKDamayan. Ito ang ika-siyam na taon ng Handog-Pangarap na Edukasyon ng STARGroup Operation Damayan sa mga hindi nakapagtapos ng high school, edad 18-pataas.

Sa mga interesado, magtungo sa opisina ng StarGroup of Publications, Port Area, Manila at magdala ng mga sumusunod:

1. Xerox copy ng birth certificate na may NSO Authentication

2. Original copy ng barangay certificate

3. 4 pcs. 1x1 ID picture

4. P100 para sa uniporme

Maaaring magpatala kina Alpha Tolentino at Pedring Pascua. Ang susunod na petsa para sa enrollment ay sa Marso 12 at 19, 2011.

Show comments