MANILA, Philippines - Pabata ng pabata ang mga nagkakaroon ng sakit na Human Immunodeficiency virus (HIV), ayon sa Department of Health.
Sinabi ni DOH-National Epidemiology Center director Dr. Eric Tayag na isa sa tatlong HIV patients noong 2010 ay may edad na 15-24.
Lumilitaw na ang bilang ng mga Filipino adolescents na may HIV-positive ay tumaas sa huling apat na taon mula 44 noong 2006 ay umakyat sa 484 noong 2010.
Malaki umano ang posibilidad na ang isang pasyente na nagkaroon ng HIV bago umedad ng 24 ay magkakaroon naman ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) bago sumapit sa edad na 40.
Napag-alaman sa UNICEF report na ang Pilipinas ang isa sa pitong bansa na may mataas na kaso ng HIV cases. Kabilang sa mga bansa ang Armenia, Bangladesh, Georgia, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan.