^

Bansa

Dagdag trabaho solusyon sa paghihirap ng mga OFW

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tanging ang pagdadagdag ng trabaho ang  nakikitang solusyon ng Simbahang Katoliko upang matapos na ang paghihirap ng mga overseas Filipino workers sa ibang bansa.

Ayon kay Cebu Archdiocese Spokesman Msgr. Achiles Dakay, umaapela sila kay Pangulong Aquino na lumikha ng maraming trabaho upang tuluyan nang matigil ang pangingibang bansa ng mga manggagawa matagal nang nagtatrabaho.?Giit ni Dakay, panahon na upang makabalik na sa bansa ang mga OFW na minamaltrato at nakakaranas ng takot sa gitnang silangan dahil sa kaliwa’t kanang kilos protesta ng mga tao doon.

Aniya, dapat mag-doble kayod ang gobyerno sa paglikha ng trabaho at huwag umasa sa dollar remittances. Nakalulungkot aniyang isipin na sa loob ng halos walong buwan nitong panunungkulan sa bansa ay wala pa itong nagawa para tugunan ang kahirapan at kawalan ng trabaho ng milyun-milyong Filipino.

ACHILES DAKAY

ANIYA

AYON

DAKAY

GIIT

MSGR

NAKALULUNGKOT

PANGULONG AQUINO

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with