Crematories ibabawal sa mga residential

MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pagtatayo ng mga crematories sa mga residential community.

Napuna ni Senator Miriam Defensor-Santiago, awtor ng Senate Bill 2702 o “Act of regulating crematories”, ang pagsusulputan ng mga crematorium na posible umanong makaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan.

Sinabi ni Santiago sa kaniyang panukala na bagaman at mas mura ang cremation kaysa sa tradisyonal na burial services, may mga research naman na nagsasabing may “significant impact” sa kalikasan ang nasabing uri ng pagsusunog ng bangkay.

Kasama umano sa lumalabas sa mga crematories ay mga nitrogen oxides, carbon monoxide, sulfur dioxide, particulate matter, mercury, hydrofluoric acid, hydrochloric acid, NMVOCs, at iba pang heavy metal.

“According to the United Nations Environment Programme report on POP Emission Inventor Guidebook, emissions from crematories contribute 0.2% of the global emission of dioxins and furans,” sabi ni Santiago.

Panahon na aniya upang i-regulate ang mga crematories para maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan.  

Show comments