Pinoy, pinakamatulungin
MANILA, Philippines - Pinakamatulungin at pinakamapagbigay ang mga Pinoy kumpara sa ibang nasyonalidad, base sa isinagawang pandaigdigang survey.
Ayon kay Georgette Tan ng Master Card Worldwide, ang mga Pinoy ang nanguna bilang ‘most charitable at charity-giver,’ kumpara sa ibang tao sa mundo. Mas nakararami sa mga Pinoy ay may “busilak na puso” para tumulong sa kapwa na nangangailangan.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Setyembre 13 hanggang Nobyembre 11, 2010, sa kabuuang 10,502 na consumers mula sa 24 bansa sa Asia at Africa.
Base sa resulta ng survey, lumilitaw na ang Pilipinas ay nanguna matapos na makakuha ng 68%, pumangalawa ang Hong Kong, 66%; pangatlo ang Malaysia, 63% at pang-apat ang Indonesia, 62%.
Ikinagulat ni Tan ang naging resulta ng kanilang survey dahil karamihan pa sa mga respondent ay mula sa mayayamang bansa pero nanguna ang mga Pinoy sa pagkakaroon ng ‘heartwarming generosity’.
- Latest
- Trending