P-Noy kinilala ng Knights of Rizal
MANILA, Philippines - Ginawaran ng pagkilala ng Knights of Rizal si Pangulong Noynoy Aquino sa isinagawang 18th Knights of Rizal International assembly and conference na may temang: “the New Rizals: Emerging Leaders Innovating Across Sectors and Beyond Borders” na idinaos sa Manila Hotel.
Ayon kay Reghis Romero, deputy supreme commander ng Knights of Rizal, ang Knight Grand Cross of Rizal na iginawad kay PNoy ay ang pinakamataas na antas o highest degree of order na iginagawad ng kanilang grupo.
Sinabi ni Romero na napili nilang pagkalooban ng nasabing pagkilala si Pangulong Aquino dahil gaya ni Rizal, ang hangarin ni PNoy ay ang pag-unlad ng bansa at ang pagwaksi sa katiwalian na itinuturing na kanser ng lipunan.
“The real reason we are gathered here is not just because of an anniversary, not just because of history, but also because of the fact that we must remember and reignite the ideals that our national hero Jose Rizal gave his entire life to. Today is a reminder of the tasks that lay ahead of all of us,” pahayag ng Pangulo.
Nilinaw naman ni Romero na bibihira lamang na ipinagkakaloob ang nasabing pagkilala na ibinibigay lamang sa mga nagpupunyagi sa isang larangan.
Dumalo sa programa sina dating Chief Justice hilario Davide, dating supreme commander ng Knights of Rizal at Manila Mayor Alfredo Lim na kasalukuyang opisyal ng grupo.
- Latest
- Trending