^

Bansa

Singson hahatulan ngayon

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines –  Nakatakdang hatulan ngayong araw si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson kaugnay sa kanyang kasong drug trafficking sa Hong Kong.

Tinataya ng mga legal experts sa Hong Kong na posibleng hanggang tatlong taong pagkabilanggo ang ipapataw na hatol kay Singson.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon, iniha­rap ng prosekusyon ang kanilang isang testigo na kokontra sa depensa ng kampo ni Singson.

Iginigiit ng prosekus­yon na hindi sila kumbinsido na pang-personal na gamit lamang ni Singson ang droga na nakuha sa kanya dahil mataas ito para sa dalawang araw na pananatli nito sa Macau na kanyang destinasyon kumpara sa sinasabi ng kongresista na kumukunsumo siya ng may 3-4 gramong cocaine kada araw.

Magugunita na ikinu­long at kinasuhan si Singson ng drug trafficking ng HK Dangerous Drug Ordinance matapos makuha sa kanya ang 26.1 gramo ng cocaine at dalawang tableta ng diazepam o Valium noong Hulyo 11, 2010 habang papasok sa Chek Lap Kok International Air­­port.

vuukle comment

CHEK LAP KOK INTERNATIONAL AIR

DRUG ORDINANCE

HONG KONG

HULYO

IGINIGIIT

ILOCOS SUR REP

MACAU

MAGUGUNITA

NAKATAKDANG

RONALD SINGSON

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with