May 'pasalubong' din sa PNP
MANILA, Philippines - Ibinunyag ng nagtatagong si Senator Panfilo Lacson na maging sa Philippine National Police (PNP) ay mayroon ding “pasalubong” o pondong ibinibigay para sa chief PNP.
Sa statetement na ipinadala ni Lacson sa pamamagitan ng e-mail, kinumpirma nito na ng naging PNP chief siya noong 1999, mayroon ding “commander’s reserve” fund na nagkakahalaga ng P40 milyon bawat taon.
Pero agad ding nilinaw ni Lacson na hindi niya tinangggap o ginalaw ang nasabing ‘reserve fund’ at sa halip inutusan umano niya si dating Director for Comptrollership, Police Director Romeo Acop na kongresista na ngayon ng Antipolo na gawing bahagi ng general fund para sa kapakanan ng mga kapulisan ang nasabing pondo.
Ang buwanang gas allowance umano ng chief PNP ay katumbas ng gas consumption ng 50 behikulo na maaaring tumakbo sa loob ng 24 oras.
Sa halip, ipinag-utos umano niya na ang sobrang allowance para sa gas ay gamitin sa mga front line units ng pulisya.
Inalok din umano kay Lacson ang isang “high limit credit card” na maari niyang gamitin sa kaniyang mga personal na pangangailangan pero ibinalik umano ito ng senador at inatasan pa niya si dating Chief Insp. Asper Cabula na huwg itong i-activate.
- Latest
- Trending