^

Bansa

Divorce niluluto sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Pumasa na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong kilalanin dito sa Pilipinas ang divorce na nakuha ng isang “alien spouse” sa ibang bansa.

Sa kaniyang sponsorship speech, sinabi ni Senator Miriam Defensor-Santiago na talo o ‘discriminatory’ sa mga Filipino citizens ang Article 26 ng Family Code dahil hindi pinapayagan ang isang Filipino citizen na mu­ling mag-asawa kahit diniborsiyo na ito ng kaniyang asawang banyaga.

Ipinaliwanag ni Santiago na sa ngayon ang divorce na naganap sa pagitan ng isang foreign spouse at ng isang Filipino national ay kinikilala lamang sa bansa ng foreigner samantalang nananatili namang kasal sa kaniya ang asawang Filipino.

Iginiit ni Santiago na dapat maging pantay ang batas at ang isang Filipino na diniborsiyo ng kaniyang asawang banyaga  ay dapat na ring ikonsiderang divorced at may karapatang mag-asawang muli.

Samantala, pumasa na rin sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas na naglalayon ring amiyendahan ang Family Code upang magkaroon ng karapatan ang kahit na sinong mag-asawa na ibenta ang kanilang mga “exclusive properties” kahit walang pahintulot ng kanilang kabiyak .

Sa kasalukuyang batas, nakasaad na maaari lamang magbenta ng ari-arian ng walang pahintulot ng kaniyang asawa ang isang tao na nasa legal na edad o “spouse of age”.

Ayon kay Santiago, hindi tama ang paggamit ng terminong “spouse of age” at dapat itong palitan ng katagang “either spouse” dahil dito sa Pilipinas, hindi naman maaaring magpa­kasal ang isang tao kung wala ito sa tamang edad.

AYON

FAMILY CODE

IGINIIT

IPINALIWANAG

ISANG

PILIPINAS

PUMASA

SAMANTALA

SENADO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with