^

Bansa

OFW namatay paglapag sa Pinas

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines –  Isang 59-anyos na OFW na kabilang sa mga Pinoy repatriates mula Jeddah ang nasawi ilang sandali lamang paglapag nito sa Pilipinas mula Saudi Arabia, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang OFW na si Francisco Delgado Cogen, tubong Leyte. Si Cogen ay kabilang sa 27 minaltratong OFWs na ni-repatriate ng OWWA sakay ng flight Etihad Airways.

Ayon kay OWWA ad­ministrator Camelita Dimzon, sa eroplano pa lamang ay napansin na ng mga crew na masama ang pakiramdam ni Cogen kaya agad umanong binigyan ng first aid ng mga cabin crew.

Paglapag sa NAIA Ter­minal 1 ay agad nag­responde ang medical team saka dinala si Cogen sa San Juan de Dios Hospital sa Pasay City subalit namatay din.

Napag-alaman sa isang welfare officer sa Jeddah na nagkaroon ng sunud-sunod na pag-atake ng kanyang asthma ang nasabing OFW sa loob ng deportation center bago siya sumakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas.

Naipabatid na ng OWWA sa pamilya ni Cogen na nasa Navotas City ang pagkasawi ng huli at inalok na bibigyan sila ng OWWA livelihood assistance.

CAMELITA DIMZON

COGEN

DIOS HOSPITAL

ETIHAD AIRWAYS

FRANCISCO DELGADO COGEN

JEDDAH

NAVOTAS CITY

PASAY CITY

PILIPINAS

SAN JUAN

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with