P-Noy interesado kay Heidi
MANILA, Philippines - Interesado si Pangulong Aquino na kunin ang serbisyo ni whistleblower Heidi Mendoza kung nais nitong magtrabaho sa gobyerno.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa ambush interview na kakausapin muna niya ang dating COA auditor kung nais ba nitong muling maglingkod sa pamahalaan.
“She already stated the stress that she and her family has undergone. She has already contributed. Now if she’s willing to contribute more, why not,” wika pa ng Pangulo.
“Baka naman lumabas na napilitan siya sa isang bagay na medyo nahirapan na rin siya. Ayoko naman mamilit,” paliwanag pa ng chief executive.
Tumestigo si Mendoza sa imbestigasyon ng Kamara at Senado kaugnay sa corruption sa AFP partikular ang mga transaksyon ni dating military comptroller Carlos Garcia.
- Latest
- Trending