MANILA, Philippines - Inaprubahan sa komite ng Kamara ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH bill) kahapon.
Sinabi ni Rep. Rogelio Espina, nasa plenaryo na ang bola kaugnay sa RH bill para simulan ang debate dito.
Wika pa ni Rep. Espina, pinag-isa na nila ang mga panukalang batas hinggil dito at sisimulan na ang deliberasyon sa plenary ng Kamara matapos aprubahan ito sa komite.
Magugunita na mariing tinutulan ito ng Simbahang Katoliko habang si Pangulong Benigno Aquino III naman ay nagpahiwatig na nais niyang bigyan prayoridad ang isinusulong niyang Responsible Parenthood.