^

Bansa

Open pit mining legal - BM Diel

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni South Cotobato Board Member Cecil Diel na legal ang open pit mi­ning at ang pagbaba­wal dito sa ilalim ng environmental code ng lalawigan ay illegal.

Sinabi ni Atty. Diel, hindi labag ang pagkakaroon ng open pit mining bagkus ang pagbabawal dito sa ilalim ng environmental code ng lalawigan ang illegal.

“Sa ilalim ng 1995 Mining Act at Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA), may opsiyon ang kontratista na alamin ang pinakaangkop na paraan sa pagmimina base sa ginawang teknikal na pag-aaral,” wika pa ni Diel.

Aniya, labas sa saklaw ng provincial govern­ment na magbawal sa open pit mining dahil ki­no­kontra nito ang mas ma­kapangyarihang Mi­ning Act of 1995.

Nitong Nobyembre, nag-isyu si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ng  memorandum na nag-uutos sa mga opisyal ng South Cotabato na repasuhin at amyendahan ang pagbabawal sa open pit mining na lumihis sa pambansang batas at sa patakaran ng gobyerno sa responsableng pagmi­mina.

Noong nakaraang taon, nagkomento naman si dating  Supreme Court Chief Justice Reynato S. Puno na “ang mga kritikal na industriya tulad ng pagmimina ay dapat pamahalaan ng pambansang gobyerno o ng Kongreso.”

“Hindi pa handa ang mga lokal na gobyerno sa pamamahala sa mga kritikal na industriya tulad ng pagmimina,” dagdag ni Puno.

ANIYA

FINANCIAL AND TECHNICAL ASSISTANCE AGREEMENT

MINING ACT

NITONG NOBYEMBRE

PUNO

SHY

SOUTH COTABATO

SOUTH COTOBATO BOARD MEMBER CECIL DIEL

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE REYNATO S

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with