Batas vs menor-de-edad pinapabago
MANILA, Philippines - Isusulong ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaksiyunan ang proposed bill sa Kongreso para sa pag-amiyenda ng batas na hindi makasuhan ang kabataan na nasangkot sa krimen na may edad 15 taong gulang.
Nais ni DILG Secretary Jesse Robredo na amiyendahan ang probisyon sa Juvenile Justice and Welfare Act, kabilang ang Section 6 ng nasabing batas na nagsasaad ng: “A child above fifteen (15) years but below eighteen (18) years of age shall likewise be exempt from criminal liability and be subjected to an intervention program, unless he/she has acted with discernment, in which case, such child shall be subjected to the appropriate proceedings in accordance with this Act.”
Aniya dapat seryosohin kung ano ang implikasyon sa pag-exempt sa juvenile offenders sa kinasangkutan nitong krimen.
Iginiit ng kalihim ang usapin sa pag-amiyenda ng juvenile law sa pakikipag-konsultasyon sa mga local officials sa Metro Manila kamakailan at ibinunyag niya na ginagamit ng mga sindikato ang mga menor de edad sa iligal na aktibidades.
Anang Kalihim, base sa intelligence reports ng PNP, malakas ang loob ng mga juveniles at mas matapang sila sa ngayon sa paggawa ng krimen tulad ng robbery at pagnanakaw dahil alam nila na makakalaya sila kapag inilipat sa tanggapan Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“We should also consider that behind these minors are adults who influence them into doing these criminal acts,” ani Robredo.
Kamakailan, isang menor-de-edad ang nahuling nagnakaw ng cable wires sa pasilidad ng radyo at kominikasyon sa Navotas kung saan agad na nadakip ito ng mga otoridad at inilipat lamang sa DSWD makaraang mabigyan ng lecture ng police officer.
- Latest
- Trending