^

Bansa

Early registration ng DepEd umpisa na ngayon

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Simula na ngayong araw ang ‘one day early registration program’ ng Department of Education (DepEd) para sa mga batang may edad lima at anim na taon na nais i-enroll o ipasok sa mga pampublikong pa­aralan sa susunod pasukan o school year 2011-2012.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, layunin ng maagang registration na mapaghandaan ang inaasahang madaragdag pang bilang ng mga mag-aaral na papasok mga public school sa bansa.

Ngayon pa lamang ay ipinag-utos na ni Luistro ang pagsasaayos sa mga silid aralan, upuan at mga librong gagamitin ng mga mag-aaral na papasok sa elementarya sa darating na buwan ng Hunyo.

Ang ‘one day early registration’ ay sisimulan ganap na alas-10 ng umaga ngayon araw sa Pembo Elementary School sa Makati City at sa lahat ng pampublikong elementarya sa bansa.

Anang Kalihim, nais nilang maiwasan ang mga dating nararanasang problema ng DepEd sa tuwing nagsisimula ang pasukan ng mga estudyante kaya nananawagan siya sa mga magulang na magtungo na sa mga paaralan para i-enroll ang kanilang mga anak.

ANANG KALIHIM

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

HUNYO

LUISTRO

MAKATI CITY

NGAYON

PEMBO ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with