^

Bansa

Bus nilamon ng apoy sa Skyway­

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mapalad na nakaligtas ang 40-pasahero ng pampasaherong bus bago tuluyang masunog sa gitna ng Skyway sa Taguig City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Skyway Cor­poration, dakong alas-7:24 ng umaga nang mag-apoy ang Ceres Bus Liner (DXQ-470) habang binabagtas nito ang inner lane ng northbound section ng Skyway sa may Magallanes.

Agad namang napansin ng driver ng bus ang pagsiklab ng makina kaya naihinto at mabilis na pinababa ang mga pasahero bago tuluyang lamunin ng apoy ang sasakyan.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga bumbero ng Skyway kung saan na­apula ang apoy dakong alas-7:55 ng umaga.  Nagbigay din ng libreng transportasyon ang Skyway para sa mga na-stranded na pasahero.

Lumikha naman ng ma­tinding pagsisikip ng trapiko ang naturang insidente nang pansamantalang isara ang rampa papunta sa elevated portion ng northbound lane na naresolba lamang nang tuluyang hilahin ang naturang bus, ayon kay Ed Nepomuceno, Skyway vice president for operations.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga oto­ridad upang mabatid ang sanhi ng pag-apoy habang nagpaalala ang Skyway sa mga operator ng bus na palagiang ipa-maintenance check ang kanilang bus maging sa mga pribadong motorista upang maiwasan ang naganap na insidente.   

BUS

CERES BUS LINER

ED NEPOMUCENO

LUMIKHA

MABILIS

MAGALLANES

MAPALAD

SKYWAY

SKYWAY COR

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with