^

Bansa

Pagpatay sa DENR employees ikinabahala

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Naalarma si Aurora Rep. Juan Edgardo Angara dahil sa serye ng pana­nambang at pagpatay sa mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) par­ti­kular ang mga nangangalaga sa kalikasan.

Naghain ng resolus­yon sa Kongreso si Rep. Angara upang agarang umak­syon ang DENR na magsagawa ng malalimang im­bestigasyon sa sunud-sunod na pag-atake sa mga forest ran­ger at iba pang empleyado ng kagawaran.

Kinalampag din ni Angara ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na kumilos upang tugusin ang mga responsable at utak sa mga pagpatay.

Naniniwala ang solon na mahalagang lumikha na rin ng batas ang Kongreso upang madagdagan ng ngipin ang DENR dahil hindi malayong may sabwatang nangyayari sa pagitan ng mga  sindikato ng illegal logging at mga awtoridad.

Interesado si Angara na tutukan ang pag-uungkat sa pagpaslang kina Jacinto Dragas, Rolando Sinday at Nelson Luna, pawang mga forest ranger sa Caraga at sa isang opisyal ng pulisya na natukoy na si Christopher Mazo ng Lianga police.

vuukle comment

ANGARA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AURORA REP

CHRISTOPHER MAZO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JUAN EDGARDO ANGARA

KONGRESO

NELSON LUNA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with