Akusasyon vs DENR Chief pinabulaanan ng wood producers
MANILA, Philippines - Tahasang pinabulaanan ng Philippine Wood Producers Association (PWPA) ang mga akusasyon laban sa Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na kumita ito ng P20 milyon sa pag-aalis ng bansa pagtotroso sa ilang timber licensees.
Reaksyon ito ng PWPA sa panawagan ng People Empowerment and Truth (PET) sa Ombudsman na siyasatin si DENR Sec. Ramon Paje na umano’y kumita sa mga humihingi ng Environmental Clearance at pag-aalis sa suspension sa mga timber licensees.
Ayon sa convenor ng PET na si Atty Mike Domingo, ito ay kinumpirma ng PWPA, bagay na tahasang pinabulaanan ng samahan sa isang sulat na ipinadala sa Pilipino Star NGAYON.
Ayon kay L.D. Angeles, Executive Director ng PWPA walang sino man sa kanyang asosasyon ang nagkumpirma sa mga alegasyon ni Domingo.
Nahihiwagaan umano ang asosasyon sa motibo ni Domingo at kung bakit idinadawit pa ang PWPA.
“Sa ngalan ng pantay at makatarungang pamamahayag ay ikalulugod naming mabigyan ng kahit maliit na puwang ang paglilinaw na ito,” dagdag ni Angeles.
Dagdag ni Angeles, ang nalathalang balita ay may bahid umano ng malisya at paninira kung kaya nararapat malaman ng madla ang buong katotohanan.
- Latest
- Trending