^

Bansa

Sunog na KIA ni Lozano natagpuan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Natagpuan na kahapon ang sunog na sasakyan ng pinaslang na car dealer na si Emer­son Lozano, matapos na gulantangin ang mga residente ng malakas na pagsabog mula sa nagliliyab na sasakyan sa Brgy. San Simon, Dinalupihan, Bataan kahapon ng madaling araw.

Sa press briefing sa Camp Crame, kinumpirma ni Special Investigation Task Group (SITG) Chief P/Chief Supt. Benito Estipona na ang natagpuang nasusunog na behikulo ay ang nawawalang KIA 2008 Model Carnival  ni Lozano pero tinanggal na ang plaka nitong QAE-333.

Si Emerson, 44, ay anak ni Atty. Oliver Lozano, abogado ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group Director Chief Supt. Leonardo Espina na tulad ng mga bangkay ng mga biktima ay sinunog rin ang behikulo upang burahin ang ebidensya .

Bandang alas- 2:30 ng madaling araw ng madis­kubre ang sinunog na behikulo sa Purok 2, Brgy. San Simon.

Ayon naman kay Sr. Supt. Arnold Gunacao, Provincial Police Office (PPO) Director ng Bataan, positibong natukoy ang behikulo ni Lozano sa pamamagitan ng engine number nito na J-37253625 at chassis/body number KNAMB761386234589.

Agad namang nag­responde ang mga bumbero at inapula ang apoy ng nasusunog na behikulo.

Nangangalap na ng mga testigo ang mga awtoridad upang mabatid kung bakit napunta sa nasabing lugar na isang taniman ang nasabing sasakyan na nagdaan sa SCTEx dahil  hindi ito na­mataan sa checkpoints sa Bataan.

Patuloy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa nawawalang 2009 Toyota Land Cruiser na ibinebenta ng isa pang car dealer na si Venson Evangelista na pinatay at sinunog din ang bangkay.

vuukle comment

ARNOLD GUNACAO

AYON

BENITO ESTIPONA

BRGY

CAMP CRAME

CHIEF P

CHIEF SUPT

HIGHWAY PATROL GROUP DIRECTOR CHIEF SUPT

LOZANO

SAN SIMON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with