^

Bansa

P4B NAIA deal bubusisiin ng Senado

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada na bubusisiin ng Senado ang umano’y nalagdaang kontrata ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at dalawang dayuhang kumpanya para sa modernisasyon ng “air traffic control system” sa Ninoy Aquino International Airport.

Tiniyak ng Senador na hindi papayagan ng Senado na pumutok ang panibagong anomalya sa sinasabing pinasok na kasunduan ng DOTC sa Sumitomo ng Japan at Thales Group ng France na nagkakahalaga ng P4 bilyon para sa paglalagay ng modernong pasilidad sa pambansang paliparan.

Nagpahayag ng pagdududa si Estrada kung talaga ngang dumaan sa “due diligence” ang buong transaksyon katulad ng sinasabi ni DOTC Sec. Jose ‘Ping’ de Jesus bago ito naaprubahan ng gobyernong Aquino.

Batay umano sa pagsasaliksik ng kanyang tanggapan, nabatid na noong 2009, sinuspindi ng European Aviation Safety Agency ang paggamit ng mga “speed censors” na gawa ng Thales para sa Airbus 300 matapos ito ang tukuyin ng mga air crash investigators na dahilan kung bakit bumagsak sa Atlantic Ocean ang isang Air France A300 noong Hunyo 1, 2009 na ikinasawi ng 288 pasehero nito.

“Naiulat din ng AFX wire service na noong 2005, ni-raid ng mga pulis sa France ang tanggapan ng Thales matapos ibulgar ng isa nitong opisyal na mayroong ‘slush fund’ ang kumpanya na bilang pansuhol sa mga opisyal upang makakuha ito ng mga kontrata,” dagdag pa ni Jinggoy.

Sa Pilipinas, hindi rin umano nag-deliver ang Thales ng kontrata nitong 19 na “global marine distress safety system” (GMDSS) sa halagang P1 bilyon para tiyakin ang ligtas na paglalayag sa ating mga karagatan.

Bunga nito, nirekomenda ng Commission on Audit (COA) na huwag ng pahintulutan ang Thales na makakuha pa ng anumang kontrata sa gobyerno.

Katulad ng kontrobersyal na national broadband network (NBN) noong 2007 na popondohan ng utang mula sa Tsina, ang kontrata naman para sa CNS/ATM ay popondohan ng Yen 9 bilyon (P4 bilyon) na utang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA). 

Pansin naman ni Jinggoy, “posible” umanong panibagong “NBN scandal in the making” ang kauwian ng bagong transaksyon na pinasok ng DOTC para sa CNS/ATM.

Sa 14th Congress, pinunto pa ni Jinggoy na mismong si dating Sen. Mar Roxas, running mate ni P-Noy, ang kumastigo sa DOTC at Thales dahil sa palpak na GMDSS contract na nagresulta umano sa pagkamatay ng daan-daang Pinoy bunga ng mga trahedya sa karagatan.

AIR FRANCE

ATLANTIC OCEAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

EUROPEAN AVIATION SAFETY AGENCY

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

JINGGOY

MAR ROXAS

THALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with