Sa pumatay sa anak ni Atty. Lozano: Manhunt utos ni P-Noy
MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III ang pulisya na maglunsad ng malawakang manhunt operations at malalimang imbestigasyon sa kaso ng anak ni Atty. Oliver Lozano na natagpuang patay sa Pampanga.
Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi dapat makatakas ang nasa likod ng pagpaslang sa anak ni Atty. Lozano at driver nito.
Dinukot ang anak ni Atty. Lozano na si Edmer, 44 anyos at driver nitong si Ernane Sensil noong Miyerkules habang patungo sa isang kliyente.
Natagpuan kinabukasan ang bangkay ng driver gayundin ang van ng mga ito pero ang bangkay ni Lozano ay natagpuan naman sa Mega dike sa Porac, Pampanga noong Biyernes. Sinunog pa ang bangkay nito.
“It is still too early to pinpoint to a particular suspect or suspects. The public will be updated on the progress of the case and all steps will be taken in keeping with the serious nature of the crime. I have ordered PNP Regional director for Central Luzon Allan Purisima to prioritize the case,” wika pa ni Pangulong Aquino sa isang statement.
Samantala, bumuo naman si PNP chief Raul Bacalzo ng Task Force Lozano upang tumutok sa nasabing kaso.
- Latest
- Trending