Dress code sa Senado
MANILA, Philippines – Simula sa susunod na linggo, ipagbabawal na sa mga reporters na nagko-kober sa Senado na magsuot ng rubber shoes, kupas na maong, at rubber slippers.
Ang istriktong pagpapatupad ng dress code para sa mga media na nagko-kober sa Senado ay nakapaloob sa memorandum na ipinalabas ni Raymundo Corro, Public Relations and Information Bureau chief ng Senado.
Bagaman at papayagan pa rin ang pagsusuot ng maong, o denim pants, para sa mga kalalakihan at kababaihan, hindi umano ito dapat kupas, may sira o rugged at dapat ay i-partner sa collared shirts.
“Please be advise that starting January 17, 2011, Monday, all media personnel covering the Senate are required to wear proper attire during Senate plenary sessions and committee proceedings,” anang memorandum na ipinalabas ni Corro.
Hindi na papayagan ang pagsusuot ng t-shirt na walang collar para sa mga lalaki
Nakapaloob din sa memorandum na ang mga lalake ay dapat magsuot ng slacks, pants, at suit pants, denim jeans, collared t-shirts, short o long sleeved polo shirts.
Ang mga babaeng reporters ay papayagan pa ring magsuot ng ‘classic sleeveless’ tops pero dapat umano itong nakapaloob sa cardigan o jacket.
- Latest
- Trending