^

Bansa

Hostage-taking handbook binubuo na

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Bumubuo na umano ang Philippine National Police (PNP)  ng hostage taking handbook na siyang magsisilbing gabay ng mga pulis sa pagtugon sa isang hostage situation.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, isa iyon sa mga inilahad sa pagpupulong ng Incident Investigation and Review Commiittee (IRC) kahapon ng umaga na dinaluhan ni Chief Supt. Herold Ubalde, Director ng Legal Service ng PNP.

Ikinukunsidera umano sa pagbuo ng nasabing manual ang mga naging pagkukulang ng PNP sa pagtugon sa naganap na hostage sa Quirino Grandstand nuong Agosto ng nakaraang taon.

Namulat umano ang PNP sa kanilang kakula­ngan kaya naman sineseryoso na umano nila ang pagbuo ng lupon ng mga eksperto sa hostage negotiation.

Natalakay din sa pagpupulong ang pagkakaloob ng psychological assistance sa mga miyembro ng PNP.

Mainam din umano na sa recruitment pa lang ay masuri na ang psychological behavioral ng isang aplikante at maisama rin iyon sa kanilang training.

Iminungkahi rin na su­mailalim sa stress debriefing ang isang pulis na sumabak sa isang high risk operation.

AGOSTO

AYON

BUMUBUO

CHIEF SUPT

HEROLD UBALDE

INCIDENT INVESTIGATION AND REVIEW COMMIITTEE

JUSTICE SECRETARY LEILA

LEGAL SERVICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with