^

Bansa

20,000 pamilya nabiyayaan ng murang pabahay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Mahigit sa 20,000 pa­milya ang nabiyayaan ng murang pabahay ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom­” Echiverri dahil na rin sa patuloy na pagbibigay ng magagandang serbisyo ng local government sa mga residente.

Kabilang sa mga pa­milyang nabiyayaan ng proyektong ito ay ang mga nakatira sa tabing riles at mga mapanganib na lugar na agad na dinala sa relocation site na matatagpuan sa Tala at Bagumbong area upang doon magkaroon ng sari­ling bahay.

Inatasan na rin ni Echiverri ang mga tauhan ng Urban Poor Affairs Office (UPAO) na madaliin ang pagsasaayos ng papeles ng mga residenteng nabiyayaan ng murang pabahay nang sa gayon ay mahawakan na ng mga ito ang titulo na magpapatunay na pag-aari na ng mga ito ang kanilang tinutuluyan.

Naisakatuparan ang proyekto dahil na rin sa pa­kikipagtulungan ng mga may-ari ng lupa na ibinenta ng mura ang ka­nilang pag-aari sa lokal na pamahalaan na siyang tinayuan ng murang pabahay ng mga mahihirap na residente.

BAGUMBONG

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

INATASAN

KABILANG

MAHIGIT

NAISAKATUPARAN

RECOM

URBAN POOR AFFAIRS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with