PAO chief pinasisibak ni de Lima
MANILA, Philippines - Pinasisibak ni Justice Secretary Leila De Lima si Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Rueda-Acosta at mga opisyal nito dahil hindi umano qualified ang mga ito sa kanilang posisyon.
Sa legal opinion na ipinalabas ni de Lima noong Enero 3,2011, sinabi nito na ang appointment ng matataas na opisyal ng PAO ay permanente subalit walang merito.
Ito ay dahil sa ang posisyong Chief Public Attorney, Deputy Chief Public Attorney at Regional Public Attorneys ay bahagi ng Career Executive Service (CES) kung saan itinatadhana ng batas na dapat ay kumuha sila ng Career Executive Service Officer (CESO) elligibility upang maging permanent sa pwesto.
Iginiit sa legal opinion ng DOJ na walang hawak na CES si Acosta at matataas na opisyal na PAO nito kayat walang security tenure ang mga ito kahit na ginarantiyahan sila ng batas ng PAO.
Upang masiguro umano ng mga ito ang kanilang security tenure ng kanilang mga posisyon si Acosta at ang mga deputies nito ay dapat na kumuha ng CESO examination.
- Latest
- Trending