^

Bansa

Marine Colonel todas sa jogging

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang Marine Colonel na napabantog bilang Jemaah Islamiyah terrorist at Abu Sayyaf hunter sa Sulu at Basilan ang nasawi matapos itong mag-jogging kaugnay ng Physical Fitness Test (PFT) para sa kaniyang promosyon sa Camp Aguinaldo kahapon.

Kinilala ni Col. Agane Adriatico, hepe ng AFP Special Services ang nasawing opisyal na si Lt. Col. Leonard Vincent Teodoro, Operations Officer ng Philippine Marines na nakabase na ngayon sa Fort Bonifacio at produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1989.

“Yung physical fitness test is part of the promotion, for interview for promotion, requirement yun before promotion to full colonel, to the next higher rank,” paliwanag ni Adriatico.

Ayon kay Adriatico, katatapos lamang ng 3.2 kilometer run ni Teodoro kung saan pumasa na ito na nakipagkuwentuhan pa sa kaniyang mga kaibigan ng mangyari ang insidente pasado alas-7:10 ng umaga.

Pasakay na sa kaniyang kotse si Teodoro para bumalik sa himpilan ng Philippine Marines sa Fort Bonifacio nang bigla na lamang itong bumagsak.

Maging ang push-ups at sit-ups ay naipasa na rin ni Teodoro kaya labis na nagulat ang mga mistah nito sa kaniyang sinapit.

Naisugod pa si Teodoro sa Camp Aguinaldo hospital pero nabigo na itong maisalba na ayon sa mga doktor ay dumanas ng cardiac arrest.

Naging tanyag si Teodoro dahil sa serye ng pag-iskor nito laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan noong kasalukuyan pa itong Commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 7 noong 2007 at maging ng panahong nadestino ito sa Sulu may ilang taon pa lamang ang nakalilipas.

ABU SAYYAF

ADRIATICO

AGANE ADRIATICO

BASILAN

CAMP AGUINALDO

FORT BONIFACIO

ISANG MARINE COLONEL

JEMAAH ISLAMIYAH

LEONARD VINCENT

PHILIPPINE MARINES

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with