^

Bansa

Mga ospital at clinic ng gobyerno dapat magkaroon ng sariling kita

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Edgardo Angara na dapat maging “financial independent” ang mga ospital at clinic ng gobyerno upang mas mapagserbisyuhan ang mas maraming pasyente.

Ayon kay Angara, dapat manatili na lamang sa mga government ospitals at clinic ang kanilang kita upang magastos sa kanilang operasyon lalo na sa mga rural areas.

Kabilang umano sa maaaring pagkakitaan ng mga ospital ang kanilang pharmacy at iba’t ibang fees mula sa mga in-house services katulad ng laboratory, operating room at radiology procedures. Magagamit ang nasabing pondo sa maintenance at operating expenditures ng mga ospital ng pamahalaan.

Kung tutuusin aniya ay napaka-simple lamang ang nasabing programa pero makakatulong sa mgaospital ng pamahalaan na kalimitang kinakapos din ng pondo mula sa national government.

ANGARA

AYON

CLINIC

IGINIIT

KABILANG

KANILANG

MAGAGAMIT

OSPITAL

SENATOR EDGARDO ANGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with