^

Bansa

Firecracker zone sa bawat bgy. ipatutupad

-

MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa anumang aksidente sa pagsalubong ng bagong taon ay mahigpit na ipa­tutupad ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang “firecracker zone” sa bawat barangay.

Ayon kay Echiverri, ito ang naisip na paraan ng lokal na pamahalaan upang makaiwas sa anumang posibleng aksidente ang mga residente sa pagsalubong ng mga ito sa pagdating ng taong 2011.

Sa pamamagitan ng “firecracker zone”, magta­takda ang lokal na pamahalaan ng mga lugar sa bawat barangay kung saan maaari lamang magpaputok ang mga residente upang maiwasan ang makaaksidente habang nagpapaputok.

Sinumang mahuhuli ay nakatakdang parusahan base na rin sa nakasaad sa batas kaya’t pinayuhan ni Echiverri ang mga residente na sumunod na lamang sa kautusan upang hindi na magambala ang mga ito.

“Para sa kaligtasan na rin nating lahat ang pagpapatupad ng firecracker zone kaya’t huwag na sana tayong lumabag sa batas upang hindi na rin maperwisyo ang pagsalubong natin sa taong 2011,” sabi ni Echiverri.

AYON

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

FIRECRACKER

RECOM

SINUMANG

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with