MANILA, Philippines - Hindi pa maaaring ilagay sa Gabinete ni Pangulong Aquino ang mga natalo nitong kaalyado sa nakaraang May 2010 elections dahil sa pag-iral ng 1-year ban.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, umiiral pa rin ang 1-year ban kaya hindi maaaring ipuwesto sa anumang posisyon ang mga natalong kandidato ng Liberal Party.
Kinumpirma ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Sec. Ricky Carandang na may namumuong revamp sa Gabinete sa Enero pero hindi naman binanggit ni Sec. Carandang kung sino-sino ang posibleng maaapektuhan.
Kabilang sa mga posibleng masagasaan ng nakaambang pagbalasa sina DILG Sec. Jesse Robredo, DENR Sec. Ramon Paje at Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.