Pagkansela sa Laguna Lake project kinondena ng mga iritadong magsasaka
MANILA, Philippines - Nagkamali umano si Pangulong Aquino sa pagkansela sa P18.7-bilyong Laguna Lake Rehabilitation Project (LLRP).
Ito ang nagkakaisang hinaing ng mga magsasaka, irrigators, mangingisda, community organizations, transport groups at mga opisyal ng barangay na nagdaos ng forum ukol sa pagbasura ng proyekto noong Disyembre 6.
Ipinakita ng mga dumalo sa forum na inorganisa ng Kilusang Lawa Kalikasan (KLK) noong Disyembre 15 sa Calamba City, Laguna ang kanilang pagkadismaya sa pamahalaang Aquino.
Ang pagbasura ni Aquino sa proyekto ay laman ng liham kay Environment Secretary Ramon J. P. Paje ni Finance Secretary Cesar Purisima noong Nobyembre 25.
Nagpadala naman ng isang pahinang liham si Paje kay Dimitry Dutilleux, manager for North Asia ng Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDC), noong Disyembre 6 upang pormal na ipaalam sa kanya na kanselado na ang proyekto.
Nagkakaisang nagpahayag ng suporta ang mga dumalo sa forum para sa kumpanyang Belgian, at iginiit na ang mapapabuti ng dredging project ang kalidad ng tubig sa lawa at maibabalik ang ecological integrity nito.
Sa naturan ding forum ay iniendorso ni Rizal Governor Jun-Jun Ynares III ang pagtatatag ng isang road-dike system sa paligid ng Laguna de Bay, kung saan mata-transform ito sa isang mega dike at ang 94,900-ektaryang lawa ay magiging malaking water storage facility.
- Latest
- Trending