^

Bansa

Brgy. Chairman nilikida

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang isang Brgy. Chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang armadong salarin sa isang liblib na lugar sa bayan ng Mabitac, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Luis Tolledo, 54 anyos, nasa ikatlong termino bilang Chairman sa Brgy. Lucong.

Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa isang hospital sa bayan ng Pakil ng lalawigang ito.

Bandang alas-7 ng gabi nang biglang sumulpot ang nag-iisang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket sa basketball court ng nasabing barangay.

Armado ng kalibre .45 pistol ay agad na pinagbabaril ng salarin ang biktima at ng duguang itong napalugmok sa tinamong tama ng bala sa sentido ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Bago ang insidente ay nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa nagpa­kilalang grupo ng mga rebelde sa pamumuno ng isang alyas Ka Ellen.

vuukle comment

ARMADO

BANDANG

BRGY

KA ELLEN

KINILALA

LUCONG

LUIS TOLLEDO

MABITAC

PAKIL

PATAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with