Rail at airport projects, prayoridad ng DOTC sa 2011

MANILA, Philippines - Prayoridad na isulong ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang mga rail at airport projects nito sa susunod na taon.

Ayon kay DOTC Secretary Ping de Jesus sa isang press conference, 21 Public-Private Partnership Projects ang sesentuhan ng pamahalaan sa 2011 upang makamit ang mahusay at mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Ilan dito ay ang pag-uugnay ng LRT Line at MRT 3 upang higit na mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga pasahero nito patungo sa kanilang destinasyon.

Ang LRT Extention project ay ang kasalukuyang 15 kilometrong LRT 1 system na tutungo sa Bacoor, Cavite kayat dadagdagan ito ng 11.7 kilometro.

Kabilang dito ang MRT Line 2 extention project na may 4 kilometro eastern extention ng MRT 2 mula Santolan, Pasig pauntang Masinag Junction sa Antipolo, Rizal.

Ang Northrail Project section 1 na mula Calocan papuntang Malolos, Bulacan ay ginagawa pa rin at nagsimula itong itayo noong 2008, 20 percent na ang kumpleto sa proyektong ito.

Ang Northrail Project Section 2 na mula Malolos, Bulacan papuntang Clark, Pampanga ay pinag-aaralan pa.

Ang Philippine National Railways (PNR) North Rail-South Linkage Phase 1 mula Tutuban papuntang Caloocan City hanggang sa Alabang ay matagal nang operational mula 2007 na may 1 milyong pasahero kada buwan.

Show comments