^

Bansa

GSIS at Megaworld accord hiling sa Pangulo na pigilin

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Dapat ipatigil ni Pangulong Noynoy Aquino ang joint venture agreement ng Government Service Insurance System at Megaworld Corporation para sa pagtatayo ng residential condominium units sa Cultural Center of the Philippines Complex dahil sa umanoy mga maanomalyang probisyong nakapaloob sa nasabing kasunduan.

Sinabi ni Atty. Jay Antonio Carpio sa isang pulong-balitaan na dapat ipawalambisa ang kasunduan dahil, bukod sa mga maanomalyang probisyon nito, labag din umano ito sa PD 15 na nagtatalaga sa CCP complex bilang sentro ng Sining at Kultura at hindi bilang isang residential area.

Nilagdaan ang kontrata noong Mayo pagkatapos ng eleksyon sa pagitan ng megaworld at ni dating GSIS President Winston Garcia kaya maituturing umano ito bilang isang midnight deal.

Masyado rin uma­nong talo ang gobyerno sa nasabing joinht venture agreement dahil 17.5 percent lamang ng kikitain ang mapupunta sa pamahalaan habang 82.5 percent ang sa Megaworld.

Sinabi pa ni Carpio na hindi sinunod ang standard practice sa nasabing joint venture kung saan ang private sector ay karaniwang nagkakaloob ng cash fund bilang seed mo­ney.

vuukle comment

CARPIO

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES COMPLEX

DAPAT

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

JAY ANTONIO CARPIO

KULTURA

MEGAWORLD CORPORATION

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENT WINSTON GARCIA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with