^

Bansa

Maguindanao massacre: Mosyon ng 5 suspek dinismis ng korte

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines –  Dinismis ng Quezon City Regional Trial Court ang kahilingan ng limang akusado sa Maguindanao massacre na muling maimbestigahan ang kanilang kaso dahil napagbintangan lamang daw sila hinggil dito.

Sa apat na pahinang omnibus order na ipinalabas ni QCRTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes noong Disyembre 14, 2010, ibinasura ng huwes ang mosyon nina Ibrahim Kamal Tatak at Not Abdul.

Gayundin ang naging desisyon ni Judge Solis-Reyes sa hiwalay na mosyon nina Malaguial Esmail, Edris Kasad at Nicomedes Amad Tolentino na humihi­ling din na muling imbestigahan ang kanilang kaso.

Ipinaliwanag ni Reyes na walang sapat na rason para paniwalaan ng korte ang sinasabi ng limang suspek na napagbintangan lamang sila ng mga awtoridad dahil hindi sila ang mga taong pinaghahanap ng mga ito.

Nagpasok ng “not guilty” plea sina Tatak at Abdul sa araw ng pagbasa ng kanilang sakdal noong Hulyo 28, 2010 subalit hiniling ng mga ito kalaunan na i-withdraw na ang kanilang plea sapagkat hindi naman sila ang mga taong nakalagay sa charge sheet na nagngangalang “Maot Dumla” at “Thong Guimano”.

Ngunit, iginiit ni Judge Solis-Reyes na tumayo ang dalawa nang tawagin ang mga pangalan nina Dumla at Guimano noong isinasagawa ang arraignment at hindi naman sila nagsalita ng kahit na ano hinggil sa kanilang tunay na mga pangalan kahit na may kasama na silang abogado at Maguindanaoan interpreter.

EDRIS KASAD

IBRAHIM KAMAL TATAK

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

JUDGE SOLIS-REYES

MALAGUIAL ESMAIL

MAOT DUMLA

NICOMEDES AMAD TOLENTINO

NOT ABDUL

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with