^

Bansa

Parada vs paputok sa gas leak area

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Bilang suporta sa ordinansa kontra sa paputok ng pamahalaang lungsod ng Makati, nagmartsa kahapon ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition, Advocates for Environmental and Social Justice at Barangka Barangay Council dala ang sarili nilang Sta. Claus sa lugar ng “gas leak” sa Brgy. Bangkal upang manawagan sa pag-iwas sa pagpapa­putok sa mga residente.

Bukod sa panganib na magmitsa ng isang trahedya sa itinuturing na “timebomb” na lugar dahil sa kemikal sa hangin at naimbak na gas sa West Tower Condominium, sinabi ni Aileen Lucero ng EcoWaste na nakakadagdag rin sa lason sa ha­ngin ang mga paputok.

Sa datos ng DOH, nakakadagdag sa mga lason tulad ng carbon dioxide, carbon monoxide, sulfur compounds at iba pang organic compounds ang mga pinasabog na paputok..

Ipinagbabawal ang pag­bebenta, paglikha, pag-iimbak, posesyon at paggamit ng anumang uri ng paputok o iba pang sumasabog na bagay sa mga barangay Bangkal, Pio Del Pilar at Magallanes.

AILEEN LUCERO

BANGKAL

BARANGKA BARANGAY COUNCIL

BILANG

BRGY

BUKOD

ENVIRONMENTAL AND SOCIAL JUSTICE

IPINAGBABAWAL

MAGALLANES

PIO DEL PILAR

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with