^

Bansa

Probe sa takeover ng Stradcom hingi

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isinampa kamakailan sa House of Representatives ang isang resolusyon na humihiling na imbestigahan ang umano’y kapalpakan ng pamunuan ng Land Transportation Office na nagbunga sa iligal na pagsakop sa Stradcom na siyang information technology provider ng ahensya.

Nagsampa ng House Resolution 772 si Western Samar Rep. Mel Senen Sarmiento na nagsabing dapat tingnan ng Kongreso ang patakaran ng LTO at ang patakaran nito sa seguridad.

Binanggit sa resolusyon ang pananalakay ng isang grupo ng mga armadong guwardiya noong Disyembre 9 sa tanggapan ng Stradcom sa LTO alinsunod sa utos umano ng tatlong tao na nagpapakilalang bagong mga may-ari at opisyal ng kumpanya.

Kinuwestyon ni Sar­miento kung bakit hindi kumilos si Assistant Secretary Virginia Torres para mabawi ang IT facility at ibalik ang operasyon nito sa LTO.

Isa anyang paglapastangan sa seguridad ang iligal na pagpasok ng armadong grupo sa main compound ng LTO bago pa man nagsimula ang oras ng trabaho sa ahensya. Maituturing itong kapabayaan ng liderato ng LTO, sabi pa ni Sarmiento.

ASSISTANT SECRETARY VIRGINIA TORRES

BINANGGIT

DISYEMBRE

HOUSE RESOLUTION

ISA

ISINAMPA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MEL SENEN SARMIENTO

STRADCOM

WESTERN SAMAR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with