Sundalong utak pulbura buburahin na - AFP
MANILA, Philippines - Buburahin na ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang konsepto ng ‘utak pulbura ‘ sa hanay ng mga sundalo.
Ito ang inihayag ni AFP Deputy Chief of Staff for Operations (J3 ) Major Gen. Emmanuel Bautista.
Sinabi ni Bautista , umpisa sa Enero ng susunod na taon ay aarangkada na ang panibagong istratehiya ng AFP o ang Internal Peace Security Plan upang tuldukan na ang mahigit apat na dekadang problema ng pamahalaan sa komunistang New People’s Army (NPA).
Aniya, mula sa dating sistema ng pagpulbos sa NPA rebels na hinahanting pa sa kabundukan tanging ang mga armadong grupo lamang ang gagamitan ng armas ng tropa ng mga sundalo.
“From search and destroy operation, there will be a paradigm shift of winning the peace, the used of lethal military force is only for armed groups,” ang sabi pa ni Bautista.
Samantalang kumpiyansa naman si AFP Chief of Staff Gen. Ricardo David na inaasahan nilang sa pamamagitan nito ay magsisibaba sa kabundukan at susuko sa batas ang mga rebelde.
- Latest
- Trending