^

Bansa

Imported fire trucks kinondena

-

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ng People for Empowerment and Truth ang Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa anila’y sablay at labag sa batas na paggigiit nito na bumili ng imported fire trucks. 

Idiniin ng samahan na may mga locally made na fire trucks na dapat bigyang prayoridad sa pagbili ng mga naturang kagamitan sa pamatay sunog para makatipid ang pamahalaan.

Ayon kay Atty. Mike Domingo, convenor ng People for Empowerment and Truth, ang plano ng BFP ay ilegal, anti-Filipino at tumutugma sa tinatawag na colonial mentality dahil ang specific requirement na power take-off (PTO) driven fire trucks na iginiit ng BFP ay awtomatikong pagharang sa local manufacturers na makasali sa procurement.

Sinabi niya na ang pagpabor sa foreign manufacturers/suppliers sa halip na sa Filipino manufacturers ay taliwas sa “Filipino First Policy” na nakasaad sa Section 12 ng Article XII ng Philippine Constitution, na ang mandato ay ”to promote the preferential use of Filipino labor, materials and locally produced goods, and to adopt measures that help make them competitive”.

Kaugnay nito, sinuportahan ng PET ang House Resolution ni AGHAM Party List Rep. Angelo Palmones na nag-aatas sa BFP at Department of Interior and Local Government (DILG) na ipaliwanag ang planong pagbili nito ng imported fire trucks na PTO driven fire pumps.

Natuklasan ni Domingo na ang terms of reference (TOR) sa pagbili ng PTO ay sadyang ginawa para umano paboran ang supplier ng imported PTO driven fire-trucks na isang paglabag sa local procurement law.  

Idinagdag niya na sa Section 3 ng Commonwealth Act No. 138 o “The Flag Law”, Section 78 of Book VI ng “The Revised Administrative Code of 1987” at Sections 1 and 3 ng Administrative Order No. 227 na may petsang May 27, 2008, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpabor sa foreign manufacturers/suppliers kontra sa ating local manufacturers.

Sa halip aniya na PTO driven fire pumps, dapat bumili ang BFP ng fire trucks na ang fire pumps ay may hiwalay na pinatatakbong makina. Mas katanggap-tanggap at kinikilala aniya ito kapwa ng national at international settings dahil subok itong maaasahan kumpara sa fire trucks na PTO driven fire pumps. 

Tinukoy ni Domingo ang Anos Research Manufacturing (ARM) na kinikilala bilang lehitimong fire truck manufacturer. Simula pa noong dekada 90 at sa mga nagdaang administrasyon, napatunayan na ng ARM sa BFP at sa mga LGUs na ang kanilang fire-fighting equipment ay higit na maaasahan.

Ang ARM’s fire trucks at fire pumps ay sertipikado ng BFP na pasado sa lahat ng technical specifications at requirements nito. Pumasa rin ang ARM sa pagkilatis ng Kongreso.

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANGELO PALMONES

ANOS RESEARCH MANUFACTURING

BFP

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COMMONWEALTH ACT NO

EMPOWERMENT AND TRUTH

FIRE

TRUCKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with