Multiple choice sa bar exam ikakasa - SC

MANILA, Philippines - Sinisimulan na ng Korte Suprema ang pangangalap ng mga posibleng tanong para sa 2011 Bar examinations kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng multiple choice para sa eksaminasyon.

Base sa napagkasunduan sa dialogue ng SC at ng mga opisyal at miyembro ng Philippine Association of Law Schools, iginiit ng mga ito ang mahigpit na pangangailagan na bumuo ng isang data bank na naglalaman ng halos 200 topic items kada subject at ang 300 items ay kukunin mula sa contruction ng 200 multiple choice questions (MCQs) para sa kada isa sa subject sa bar exam.

Kabilang sa mga subjects ang Remedial Law, Civil Law, Mercantile Law, Labor Law, Criminal Law, Taxation, Political Law at Legal Ethics.

“We have so far put in our data bank our coverage index. This is the coverage of the Bar exams by subject…but the topics in our coverage index are still few and too broad for writing the needed MCQs,” sinabi ni  Associate Justice Roberto Abad, chairman  ng 2011 Bar examination sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Association of Law Schools.

Nilinaw naman ni Abad na ang coverage index ay mas palalawakin pa sa “coverage roll” upang maisama ang sub topic items kung saan pipiliin ito sa pamamagitan ng haba ng coverage ng bawat subject.

Magsasagawa naman ang Korte Suprema ng “run-through test” sa Hulyo bilang paghahanda na rin sa bar examinations sa buwan ng Setyembre ng susunod na taon.

Show comments