^

Bansa

Ipapalit kay Melo, 2 pa dapat galing din sa Comelec

- Ni Mer Layson/Doris Franche -

MANILA, Philippines - Naniniwala ang isang opisyal ng Commission on Elections na dapat magmula rin sa hanay ng komisyon ang mga susunod na itatalagang bagong opisyal ng poll body.

Ang pahayag ni Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer ay kasunod nang inaasahang pagkakabakante ng tatlong posisyon sa poll body sa unang bahagi ng taong 2011. Una nang nagbitiw sa puwesto si Comelec Chairman Jose Melo na epektibo sa Enero 31, 2011.

Mababakante rin ang dalawa pang mataas na puwesto dahil naman sa nakatakdang pagreretiro nina Ferrer at Commissioner Gregorio Larrazabal sa Pebrero 2011.

Ayon kay Ferrer, kuwalipikado naman ang mga Come­lec personnel na makakuha ng pwesto sa komisyon lalo pa’t alam na ng mga ito ang pasikot-sikot at mga gawain sa poll body.

Bunsod nito, hinikayat pa ni Ferrer ang kanyang mga kasamahan na magsumite na ng kani-kanilang aplikasyon.

Paliwanag ni Ferrer, mas makabubuti kung galing na sa loob ng Comelec ang susunod na maitatalaga sa mga matataas na posisyon roon kaysa mga outsider.

Sa mga interesado, maaari silang sumulat sa search committee o mismong kay Pangulong Aquino.

Hindi anya maitatalaga ang isang personalidad sa Comelec kung hindi naman ito nag-apply para sa posisyon.

Maugong ang mga pangalan nina Supreme Court Justice Eduardo Nachura, DOJ Secretary Leila de Lima at election lawyer Atty. Sixto Brillantes sa mga personalidad na posibleng pumalit kay Melo.

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

COMELEC COMMISSIONER NICODEMO FERRER

COMMISSIONER GREGORIO LARRAZABAL

PANGULONG AQUINO

SECRETARY LEILA

SIXTO BRILLANTES

SUPREME COURT JUSTICE EDUARDO NACHURA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with