^

Bansa

Mga suspek kikilalanin na ni 'Florence'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Naniniwala si Justice Secretary Leila de Lima na anumang araw ay magkakaroon na ng linaw ang kasong rape sa volunteer nurse na si “Florence”.

Ilang psychological test na ang dinanaan at ipinasa umano ni Florence kaya’t kasabay ng pagbuti ng kondisyon nito ay nabubuhay na rin ang pag-asang matukoy kung sino ang responsable sa panggagahasa sa kaniya.

Si Florence ay unang sumalang sa test na pag-identify ng mga larawan ng artista na pawang nakilala umano nito at sa susunod na linggo ay susubukan naman ang pag-identify nito sa mga larawan ng ilang personalidad na isinasangkot sa kaso ng panggagahasa.

Tiniyak naman ng kalihim na buong ingat ang kanilang mga pagsubok at pinangangasiwaan ito ng mga espesyalista mula sa DSWD.

Una nang sinabi ni de Lima na hindi umano gang rape ang nagyari, base sa medico legal findings ng NBI at iisang suspect ang gumahasa sa biktima na siyang dapat tukuyin ng biktima sa oras na gumaling na ito.

Nitong Nobyembre 2, sinabi ni de Lima na pina­dalhan na rin ng subpoena, bukod kay South Upi  vice mayor Jordan Ibrahim Campang, ang kapatid nitong si alyas “Taboy” at dalawang bodyguard ni Campang.

Ikatlong subpoena na rin ang ipadadala sa vice mayor na tumangging sumailalim sa DNA test sa kabila ng pa­ngako nitong magpapasuri.

CAMPANG

IKATLONG

ILANG

JORDAN IBRAHIM CAMPANG

JUSTICE SECRETARY LEILA

NANINIWALA

NITONG NOBYEMBRE

SI FLORENCE

SOUTH UPI

TABOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with