Claire dela Fuente kinasuhan ng BIR
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang muling pagsasampa ng 43 kasong tax evasion laban sa singer na si Claire dela Fuente.
Kaugnay ito sa kasong isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay dela Fuente at sa yumaong asawa nito na si Moises de Guzman noong Setyembre 2005 matapos na madiskubre ng BIR na nabigo ang mag-asawa na irehistro ang kanilang negosyo na Philippine Corinthian Liner Corp (PCLC) bago ito nag-operate noong 1997 hanggang 2004.
Nabigo din umano ang mag-asawa na maghain ng income tax returns at magbayad ng buwis sa nasabing taon na umaabot sa P417,786,376.21.
Sa resolution ni Justice Secretary Leila de Lima, binaliktad nito ang May 10, 2010 resolution ni dating Justice Secretary Alberto Agra na nagpapawalang sala kay dela Fuente dahil sa alibi nito na hindi na siya ang treasurer at officer in charge ng PCLC noong 1997-2004.
Iginiit naman ni de Lima na si dela Fuente ang presidente at treasurer ng PCLC at lumalabas na ito ang responsable sa paglabag sa nasabing batas.
- Latest
- Trending