^

Bansa

Peace council itinatag sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Upang lalo pang pa­­tatagin at pagandahin ang relasyon ng mga manggagawa at negosyante ay itinatag ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) sa lungsod.

Kasabay nito, gaganapin ang oath-taking ng mga opisyal ng TIPC ngayong araw kung saan ay mismong si Echiverri ang magiging chairman ng itinayong samahan.

Ayon kay Echiverri, isa sa layunin ng TIPC ang mapangalagaan ang ka­rapatan ng bawat miyembro nito at maging maayos ang ugnayan ng mga manggagawa at negosyante para sa mas magandang relasyon ng bawat isa.

Bukod dito, ang TIPC din ang magsusulong sa kongreso upang agad na maipatupad ang mga probisyon na nakasaad sa Executive Order #403 na nilagdaan ni dating Pangulong Cory Aquino noong May 30, 1990.

Sa pamamagitan din ng itinatag na samahan ay agad na ma­tutukoy kung may namumuong alitan sa pagitan ng mga manggagawa at negosyante nang sa gayon ay ma­bigyan ito ng kaluta­san bago pa mauwi sa pagkakaroon ng hindi maayos na relasyon.

AYON

BUKOD

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

EXECUTIVE ORDER

KASABAY

PANGULONG CORY AQUINO

RECOM

SHY

TRIPARTITE INDUSTRIAL PEACE COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with