^

Bansa

Live coverage sa Ampatuan malabo

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Mukhang malabong mapagbigyan ang inihihirit ng grupo ng mga mamamahayag na live coverage sa pagdinig ng Maguindanao massacre.

Ito ang pananaw ni Su­preme Court (SC) spokesman at court administrator Jose Midas Marquez tungkol sa nakatakdang pag­hahain ng petition sa Korte Suprema na payagan ang broadcast media na i-cover ng live ang kabuuang pagdinig ng kaso.

Ipinaalala ni Marquez na may umiiral na jurisprudence na nagbabawal sa live coverage o actual filming o recording ng mga pagdinig maliban na lamang umano kung baligtarin ng Korte Suprema ang nasabing desisyon.

Sa kaso ni dating Pangulong Estrada ay pi­nayagan lang ng Korte ang live coverage ng promulgation dahil hindi ito makakaapekto sa desisyon ng Korte.

Isa kasi umanong punto na talagang tinitingnan ay maimpluwensiyahan ng korte ang publiko habang pinapanood nila kung ano ang nangyayari.

Nong trial ng kaso ni Erap ay hindi pumayag ang SC na lahat ng camera ay nasa loob kundi isang officially designated camera lang at lahat ng camera ng ibat ibang istasyon ay naka-feed lang sa una.

ERAP

IPINAALALA

ISA

JOSE MIDAS MARQUEZ

KORTE

KORTE SUPREMA

MAGUINDANAO

MARQUEZ

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with