Register of Deeds ng Laguna sinuspinde
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng tanggapan ng Ombudsman ng 6 na buwan na walang sahod ang Register of Deeds (RD) ng Calamba, Laguna na may kinalaman sa irregular transfer ng titulo ng lupa sa Montalban, Rizal.
Sa 8-pahinang desisyon, sinabi ni Deputy Ombudsman for Luzon Mark E. Jalandoni na guilty si Edgar Santos sa kasong Simple Neglect of Duty.
Sa record, isang Gloria Arcilla na may-ari ng 80-ektaryang lupa sa San Jose, Montalban, Rizal na kanyang binili mula sa Pinagkamaligan Indo-Agro Development Corporation (PIADECO) noong 1974.
Ang bahagi ng lupain ang kanyang naibenta sa ibat ibang tao mula 1998 hanggang 2002 pero noong 2003,isang Ofelia Cipriano-Bravo ang nagsasabing kanya ang nasabing lupa kayat napa-demolish nito ang 13 bahay na nakatayo doon.
Sabi ni Bravo naiparating na niya ang usapin sa lupa mula sa GSIS noong Enero 2001 at ita-transfer at napatituluhan sa Register of Deeds sa Marikina City na pinamumunuan ni Santos.
“His conduct falls below the standard established by law for the protection of others against unreasonable risk or harm because the houses of the 13 lot buyers of the Arcilla’s property were demolished on orders of Bravo who laid a claim on such property even if she has no right to do so.” Nakasaad pa sa desisyon ng Ombudsman.
- Latest
- Trending
















