^

Bansa

Ambulansiya ginagamit sa paglalakwatsa

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines –  Dahil sa dami ng sumbong na ginagamit rin sa paglalakwatsa ang mga ambulansiya ng gobyerno, nais ni Sen. Lito Lapid na sibakin sa trabaho ang mga kawani ng pamahalaan na mapapatunayang nagkasala.

Sa Senate Bill 2458 ni Lapid, sinabi nito na may mga nakarating sa kaniyang sumbong na ginagamit sa pagbubulakbol ang mga ambulansiya ng pamahalaan na dapat ay para lamang sa may sakit na dinadala sa ospital.

“Ginagamit lamang ito sa mga itatakbong pasyente sa ospital. Bawal din itong gamitin sa mga outing o opisyal na lakad ng mga kawani ng munisipyo o lungsod,” sabi ni Lapid.

Dapat aniya’y magkaroon ng batas na magtatakda sa limitasyon nang paggamit ng mga ambulansiya lalo pa’t pera ng taumbayan ang ipi­nambili sa mga ito.

Nais din ni Lapid na ipagbawal ang paggamit ng wangwang ng mga ambulansiya kung wala namang emergency.

Kung maging ganap na batas, papatawan ng 30 araw na suspensiyon na walang suweldo ang mga mapapatunayang nagkasala sa unang paglabag at 6 na buwan at walang suweldo sa ikalawang paglabag.

Sa ikatlo ay disku­walipikasyon at tuluyang tatanggalin ang kanilang retirement benefits.

AMBULANSIYA

BAWAL

DAHIL

DAPAT

GINAGAMIT

LAPID

LITO LAPID

SA SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with