^

Bansa

Smugglers hinamon ng NBI

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines –  Hinamon ng National Bureau of Investigation ang mga nasa likod ng ulat na diumano’y panggigipit at pang-aabuso ng mga tauhan ng anti-smuggling operations ng NBI sa mga lehitimong importers at maliliit na negosyante na lumantad at magsampa ng reklamo.

Ayon kay NBI-NCR Regional Director Atty. Constantino Joson, alam niya na ang mga ito ay sindikato ng smugglers sa Aduana at gumagawa ng paraan para matigil ang kanyang pagpapatupad ng batas laban sa smuggling.

“Alam nilang nabuko ko na ang kanilang modus operandi kaya tiyak na kung anu-anong paninira ang gagawin ng mga sindikato para mahinto ang anti-smuggling operations ng NBI,” sabi ni Atty. Joson.

Sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng NBI at BOC nitong Oct. 22, 2010, ang dalawang ahensiya ay magtutulungan upang matigil ang talamak na smuggling sa Aduana.

Sa intelligence ng NBI, daan-daang container na kontrabando ang nakakalusot sa MICP at Port of Manila, linggo-linggo na kakutsaba ang mga tiwaling empleyado ng BOC.

Iniimbestigahan ngayon ng NBI ang kutsabahan ng mga players at examiners ng BOC para makapandaya sa pagbabayad ng tamang buwis ng kanilang importasyon.

Sabi ni Joson, ginagawa lang nila kung ano ang naaayon sa batas partikular na ang Tariff and Customs Code of the Philippine. Hindi na dapat sana sila pumasok sa MOA kasama ang BOC kung hindi naman pala nila gagampanan ang kanilang tungkulin at responsibilidad.

Itinanggi rin ni Atty. Joson ang ulat na tambak na ang nagrereklamo sa office ni BOC Commissioner Lito Alvarez laban sa NBI at balak na nitong i-dissolve ang nasabing MOA ng NBI at BOC. Ang pamamaraan ng NBI kontra smuggling ay sa pamamagitan ng pagsulat ng request for alert order sa mga partikular na containers na sinasabayan nila ng pagbabantay sa labas ng BOC sakali anyang tangkaing palusutin ang mga ito.

Hindi rin daw pwede mangyari na maiipit ang mga lehitimong importers dahil alam nila kung sino ang mga smugglers sa BOC. 

Pero ani Atty. Joson, basta nasa batas ang kanyang ginagawa ay hindi siya natatakot at lalo daw niyang paiigtingin ang anti-smuggling operations lalo na ngayong malapit na ang Pasko.

Nangako din ang opis­yal na hindi niya titigilan ang mga sindikato hanggang hindi niya naaaresto at nakakasuhan ang mga ito.

BOC

COMMISSIONER LITO ALVAREZ

CONSTANTINO JOSON

JOSON

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NBI

PORT OF MANILA

REGIONAL DIRECTOR ATTY

TARIFF AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with