MANILA, Philippines - Upang masigurong ligtas sa anumang sunog na magaganap sa lahat ng mga lugar na magpapalabas ng laban nina Pacquiao at Margarito, sinimulan ng Bureau of Fire Protection ang pagsisiyasat dito.
Aksyon ito ng kagawaran matapos na ipag-utos kahapon ni Acting fire head Chief Supt. Reuben Bearis ang pagsusuri sa mga lugar na pagdadausan ng libreng showing ng nasabing laban.
Ayon kay Bearis, dahil sa inaasahang dami ng taong manonood, kailangang matiyak kung ligtas ang mga ito sa posibleng sunog.
Partikular dito ang covered courts, gyms, bars, restaurants, hotels, sinehan at iba pang entertainment centers na nag-anunsyo ng pagpapalabas ng nasabing laban.
Sa mga naturang lugar ay inaasahan na ang maraming manonood dahil sa pangunahing titignan dito kung papaano mapatumba ni Pacman si Margarito.
Kailangan anyang mas maayos na pag-iisip ang maranasan ng mga mamamayan habang nanonood na walang kaakibat na takot na baka mayroong mangyaring hindi inaasahan.
Tulad ng maayos na electrical wirings at kung sumusunod ito sa fire safety requirements.