^

Bansa

21 OFWs, 5 paslit mula Malaysia tinulungang makauwi ni Sen. Villar

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tulad ng kanyang ipinangako, ipinagpatuloy ni Senador Manny Villar ang pagtulong sa mga nagigipit na overseas Filipino workers matapos makapagpauwi ng 21 manggagawa mula sa Malaysia, kasama ang limang bata.

Halos lahat ng mga OFW ay biktima ng illegal recruitment, habang ang ilan ay inengganyo ng kakilala na magtungo sa Malaysia bilang turista at pinangakuan na tutulu­ngan na magkahanap ng trabaho.

Mistulang tumanggap ng maagang pamasko na walang pagsidlan ng kasiyahan ang mga OFW nang salubungin sa NAIA Terminal 3 ng mga tauhan ng Sagip OFW program ni Villar nitong umaga ng Biyernes.

Naging emosyunal din ang pagsasalo-salo sa almusal ng mga OFW at kanilang kamag-anak sa isang restaurant sa Macapagal boulevard kung saan nakasama na nila ang senador.

“Gaya po ng sinabi natin dati, hindi man tayo palarin na pamunuan ang bansa hindi po tayo hihinto sa pagtulong sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong,” patungkol ni Villar matapos ang resulta ng May 2010 presidential elections.

Ayon kay Villar, kahit hindi naging pabor sa kanya ang resulta ng nakaraang halalan, ipinagpatuloy niya ang Sagip OFW program dahil patuloy din ang dating ng mga tawag, email, at text ng mga OFW at kanilang mga kamag-anak na humihingi ng tulong.

Bukod sa pagpapauwi ng mga nagipit na OFW, kamakailan ay inilunsad ni Villar katuwang ang Blas F. Ople Policy Center ang “Skills-Up” program, na nagkakaloob ng vocational skills scholarship sa mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Layunin nito na mabigyan ng dagdag na kaalaman sa hanapbuhay ang mga makikinabang sa programa tulad ng kursong hotel housekeeping at barista kung saan katuwang nila ang Asian School of Hospitality Arts.

ASIAN SCHOOL OF HOSPITALITY ARTS

AYON

BIYERNES

BLAS F

BUKOD

OFW

OPLE POLICY CENTER

SAGIP

SENADOR MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with